Health knowledge made personal
Join this community!
› Share page:
Go
Search posts:

Speech of Alvin Dakis as the 2012 Most Outstanding Youth Leader of Quezon City

Posted Dec 22 2012 8:09am
Nurse Alvin Dakis received the highest award as the Most Outstanding Youth Leader of Quezon City given by the Quezon City Youth Confederation and the Quezon City Sports & Youth Development Program. The awarding took place at the Amoranto open stadium in front of more than 5,000 young people.


Hindi po ako naniniwala sa sinabi ni Gat. Jose Rizal, na ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Kahit pa sabihin niyang "so you think amalayer? Amalayer!" ay maninindigan ako na ang kabataan ay ang NGAYON ng bayan.



Sa Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Quezon, sa mga panauhing pandangal, sa mga kapwa ko kabataan na papangaralan ngayon, sa Quezon City Youth Confederation, sa lahat ng mga aking kaberks, magandang gabi.

Bakit tayo ang ngayon ng bayan? Ngayon sapagkat tayo ang humuhubog sa isang lipunan na ating nais - isang bansang masagana, maginhawa at maunlad o isang bansang sadlak sa kahirapan, pagdudusa at kamang-kamangan --- lahat ng ito, tayo ang gagawa, tayo din ang magwawakas.

Bawat isa sa atin pwede maging Outstanding. Dahil ang pagiging outstanding ay hindi nangangahulugang perfection. Ang pagiging outstanding ay hindi lang sa grado nakikita - ito ay wala sa nagkakandilang report card, o sa sankaterbang medalya. Ito ay nasa patuloy na pagpupursigi at walang humpay na pag-abot ng mga pangarap. Ito ay nasa walang kapagurang pagtyatyaga upang makatapos ng pag-aaral, o makapag trabaho ng marangal para sa sarili, para sa pamilya. At sa bawat kibot mo, isinasama mo rin ang pagmamahal sa kapwa, pagtulong ng walang kapalit at pagiging aktibo sa mga gawain at organisasyong kagaya ng QCYC na patuloy na nagsisikap na paglingkuran ang kabataan ng QC.

Nanawagan ako na patuloy kayong lumahok para sa ikauunlad ng bayan. Huwag niyong hayaang dungisin ang ating kinabukasan sa pagbabalewala ng ngayon. Pangarap ko na makita kayo na buong dangal niyong itinataas ang bandila ng Lungsod ng Quezon at ng ating bansa saan mang dako kayo naroon.

Maraming salamat at mabuhay ang kabataang Pilipino!
Post a comment
Write a comment:

Related Searches