Health knowledge made personal
Join this community!
› Share page:
Go
Search posts:

Balentaynsdi

Posted Feb 13 2013 12:35pm
Well, it's that time of the year again na kung saan bumabaha ng mga bulaklak, tsokolate, at kung anu-anong ka-sweetan sa daan, sa TV, sa dyaryo, billboards at sa mga tarpaulins sa may mga motel.

Ito ang panahon ng pagninilay-nilay ng mga singles - kung bakit single pa rin sila ngayon. Ito din ang panahon na nabubutas ang mga bulsa ng magsing-irog kakadeyt, at bumili ng mga bagay na corny, mushy, sweet at lahat na halos kulay pula, pink o anything na malapit sa kulay na yon.

Gaano ba ka-importante ang isang araw na tadtad ng mga bagay na hugis puso?
Noon ang Valentine's Day para sa akin ay isang ordinaryong araw lang - at kahit pa may partner ako nun, hindi espesyal sa akin ang Valentine's. Dahil para sa akin kahit anong araw ay pwede mong gawing Valentine's Day para sa yong mahal. 
Hindi rin ako pa-tweetums na boyfriend, at alam siguro to ng lahat ng naging partners ko. Baka nga ang sabihin pa nila, isa ako sa mga napakawalang kwenta pagdating sa araw nato. Pero ako naman kapag tinopak, ibang klase din. I can be soo mushy - write poems, sing an original composition, surprise visits, candlelight dinners etc. But somehow over time parang nagdecrease na ako sa mga ganyang bagay. Siguro dahil over time nag iiba na rin ang ating mga priorities o paniniwala.
Basta ang importante magkasama kayo sa lahat ng bagay at di niyo iiwan ang isa't isa kahit anong mangyari - yan ang tunay na Valentine's, pagmamahal na walang araw na pinipili, okasyon o tema ng suot. At yan din ang isa sa mga pinaka mahirap - madaling sabihin sa sinusuyo, pero mahirap pangatawanan. 
At kung single ka ngayon, wag kang mag-alala, dahil hindi pa magugunaw ang mundo ngayon o bukas (depende kapag bumalik ang mga Mayans). Ibig sabihin lang niyan ay mas may panahon ka upang tutukan ang ibang bagay na mahalaga din sayo. 
Huwag kang mafrustrate kung ikaw lang ang single sa barkada. Huwag mo na lang tanungin kung bakit, basta wag! 
Post a comment
Write a comment:

Related Searches